
im a girl who laughs hard. Loves lasagna.
she loves to eat and adores MUSIC she is a 2nd yr FINANCIAL MANAGEMENT student ;p she dreams to become a linguist
and she loves YOU

title: the confused are waiting for guidance ![]() Pag-uwi ko galing mall nakakita ako ng isang batang lalaki nasa edad na 8 o 9 nanagarilyo sa may tindahan sa aming kanto. Npasabi tuloy ako " chuya nmo dong oiie! Tagnaon nako mauna pka ug kamtay sq bah! " at sinagot niya lamang aq ng isang ngiti. Naisip ko saan ang kanyang mga magulang? Wala nman sigurong magulang ang papayag na ang kanilang anak na sa murang edad ay mapasama na sa masamang bisyo. Hindi ko lubos maisip na sa murang edad ay marunong na ang batang pinoy. Nasaan ba ang mga "values" na tinuturo sa eskwelahan na nagtuturo sa kabutihang asal upang magturo sa kanila papunta sa tamang daan. Naisip ko kung hindi ako napalaki ng mabuti ng aking mama, saan na kaya ako ngayon? Kasama na kaya ako sa mga babae na nag bebenta ng kanilang dangal? Parang may pricetag sa kanilang dibdib na nagsasabi na bilhin mo ang aking dangal? Marahil nasa mga bars ako nakikipag inuman kahit kanino habang naninigarilyo na walang tigil hanggang sa maging bangag? Nasaan na kaya ako ngayon? Hindi ko sinasabi ako ay perpekto, naging isang suwail rin ako na anak. Umabot ako sa punto na pinabayaan ko ang aking pag-aaral dahil puro lakwatsa na lang ang aking inaatupag at pakikipag inuman sa aking barkada. Pero ang mga panahon na iyon any tapos na. Ako lamang ay isa sa mga kabataang nasa estado ng " confusion" at kumukuha ng atensyon sa mga taong nasa paligid nila. Matagal ko ng tinuldukan ang panahon na iyon at bahagi na lamang ng aking madilim na nakaraan na nagpatibay sa aking loob. Ika nga "Yesterday ended Last night". Hindi nga natin maikakaila sa panahon ngayon maraming kabataan ang hindi na alam kung saan sila patungo. Marami akong kakilala na lulong sa masamang bisyo na parang wala ng pag-asang nakikita. Marami na rin sa aking mga kaklase sa elementarya at highschool ang nabubuntis sa di tamang panahon. Naisip ko paano nag kinabukasan nila? Paano ang kanilang mga pangarap? May katuparan pa ba ang mga ito? Ang mga kabataan nangangailangan ng gabay. Mga magulang kayo ang aming gabay. |
|